Loading...
Loading...

Castillo del Placuna Placenta Search Engine

Tuesday, August 04, 2009

UPdates. . .UPdates. . .UPdates

It's the 4th of August already. . .[hahay*]
There have been so many things that had happen this past few months and weeks.

Ayh!Teka lang. Kasasabi ko lang eh. Agosto na. . .'Buwan ng Wika' na, kaya nararapat lamang magsalita tayo gamit ang ating pinakamamahal na wika. Simulan na natin.

Lokasyon: Kasalukuyan akong nasa Com Lab 2 ngayon, at dahil tapos na ako sa "lab exercise", tatambay muna ako dito sa "site". [ngiti*]

Kagabi lang ay muling nagtipun-tipon ang mga residente ng Hall1 sa bulwagan ng dormitoryo. Ito na ang pangalawang pagtitipon o "General Assembly (GA)" na pinangunahan ng mga opisyales ng dormitoryo. Pinag-usapan kagabi ang mga aktibidades sa buwang ito --- selebrasyon ng Buwan ng Wika. Naging maayos naman ang nangyaring GA at alisto ang mga residente sa pakikinig at pagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa napag-usapan.


Nang hapon ng araw na iyon din ay nagaganap ang pinaka-aabangang laro ng taon sa "football field". Ganap na alas-singko ng hapon ng magsimulang magtipon ang mga residente ng Hall1 sa "grandstand" upang tunghayan ang kinasasabikang laban sa "football" ng BALAY LAMPIRONG at Balay Kanlaon. Nagpatupad ng "NO-Person-Policy" ang "house council" sa dormitoryo upang lahat ay dumalo at manood ng laban sa "field". Naging maiinit ang labanan lalo pa't agresibo ang parehong kampo. Talagang nakakapanabik, nakakatawa, nakakainis, at nakakatuwa ang laro. Grabe ang tulakan at gitgitan. Walang sinasanto ang kabilang grupo, kahit babae binabangga ng todo. Ganyan katindi ang tensyon ng laban kahapon. Kaya ganuon na lamang din ang putik na bumalot sa kanilang katawan. [haha*] Halos 'di ka na makakurap sa bilis ng sipaan ng bawat kampo. Kitang-kita lahat ng aksyon pati panta-tsansing ng iba dyan. Talagang todo habol at dikit sa ating gwaping na manlalaro.[alam nyu na kung sino sya...at wala ng iba pa...wink!*]

Pero ang kinamamangahaan ko sa lahat ay ang pamatay na boses ni MAMITA. Si Mamita pa lang isang buong field dinig na -- walang "effort". [hehe] Kung may paligsahan sa "cheering", tiyak panalo tayong Hall1. Sa lakas ba naman ng boses, patikan, palakpakan at hiyawan ng mga residente at pati na rin ng mga dating residente noon, talagang walang kaduda-dudang panalo tayo! Go Holwan!!!!!

Naging maganda ang laro ng ating mga pambatong persyers. At talagang naipakita ng Holwan ang kanilang pagkakaisa sa laro kahapon. Natapos ang laro na walang nakapuntos kahit isa sa magkabilang grupo. Hindi na ako magsasalita sa "technicalities" ng laro para walang kontrobersya. Basta, ang pinakmahalagat naging MASAYA, NAGTULUNGAN at NAGKAISA ang lahat.


Isang masigabong palakpakan para sa lahat ng mga taga-holwan!!!!!

P.S. Lalong nagpaganda sa laro kahapon ang ideyang puro "freshmen" lang lahat ang naglaro at walang halong "upperclass". Talagang dalawang hinlalaking nakataas para sa ating lahat. [ngiti.*]



Abangan ang mga susunod pang balita at kwentong dormlayp.* c;

No comments: