Loading...
Loading...

Castillo del Placuna Placenta Search Engine

Monday, August 24, 2009

Group Dynamics'09: First Blast

By Wina Irah Basister


Buhay na buhay at puno ng sigla ang mga dormers ng Bulwagang Uno (Hall1) habang idinaraos ang kanilang “SAMA-SAMANG PAGKAMATAY” o Group“Die” este Group Dy. . . namics(as quoted by Kuya Idol) . . . [toink!=)]


Kamakailan lang ay na-TEASE talaga tayo sa TEASER ng GroupDy(GD) na ginawa ni Little Pi. Kung kaya’t naging matagumpay ika nga ang di-magkamayaw na Group Discussion at Sharing noong ika-16 ng Agosto, di-ganap alas-sais ng gabi.


Perobago ang lahat, nagsalu-salo ang bawat grupo sa solidarity dinner sa hindi kalayuang lugar -- sa CITY . . . as in CITY-H [baw! soo freshie!*] at ang iba ay nasa HEAVEN lang naman . . . Heaven's Bliss. (joke pa ni nga ginatawag?!*)


Nagkalat at nag-iwan ng mga bakas ang sampung grupo sa iba't ibang sulok ng dormitoryo; may nasa lobby, sa upper wings, sa lower wings, sa annex wing, sa inner court, sa mini lib, sa CR (jowk na naman liwat!*), sa washroom(korni na guid!*).


Maraming nakatago sa baul ang sa wakas ay nabunyag at narinig nang simulan na ng mga upperclassmen ang paggisa [baw!amu guid ni ang term?*hahaha] sa mga freshmen. Hindi rin nag-atubili ang mga persyers sa pagsagot sa mga ibinabatong katanungan ng mga ate & kuya.


Naging bukas ang lahat sa pagbahagi kani-kaniyang karanasan, impresyon, katangahan, kagalingan, reklamo & hinaing, kinaiinisan, kinagagalakan at kinahuhumalingan [hmmmm...interesting*] habang tinatahak ang landas ng pamumuhay sa Miami!


Napag-usapan at nabigyang puna ang samu't saring kaganapan at mga tampuhan. Kinamusta din ang relasyon at pakitutungo ng bawat dormers sa iba't ibang kulay ng personalidad na siya nilang nakakasalamuha araw-araw. Bakas sa mukha ng bawat isa ang inis at pagkabahala habang naglalabas ng sama ng loob sa mga TERROR SUBJECTS dagdagan pa ng UBER TERROR PROFS. Pero higit sa lahat, hawang-hawa ang karamihan sa virus ng HOMESICKNESS na isa na palang epidemya.


Sa kabutihang palad, nagsusumikap ang mga kapwa Homesick na upperclass at iba pang dormers sa pag-organisa ng mga laro, picnics, at iba pang gimiks upang maisalin ang atensyon ng mga naho-homesick. Lubha ngang karaniwan na lang ang sitwasyon ng biglaang pagtulo ng luha habang kinakausap sina Nanay at Tatay sa telepono.


Pero ang GD ay hindi lang pala hanggang chismisan at kwentuhan ng nakakabagbag-damdaming karanasan. Dito rin namumulat sa mg posibleng lunas at nabibigyang payo ang bawat isa upang mapaayos at mapabuti ang buhay kolehiyo at buhay dormer ng taga-wan.


Bonggang-bongga sa lahat ang naging katuwang ng taga-wan sa pagkamit ng kanilang “goal” bilang iskolar ng bayan. Binisita ang dormitoryo ng super-adventurous na lakwatserang negra at friend – sina DORA at DORO. Sina Dora at Doro ang naging susi upang ma-set ng bawat isa ang kailangang gampanan na tungkulin upang makamit ang pangarap at inasam-asam nilang kabutihan sa buhay. (dalom buh!*)


Sa DORA-DORO Activity kung saan sila binigyan ng papel na may larawan ni Dora, para sa mga babae at Doro, para sa mga lalaki ay isinulat nila ang kanilang mga kinakailangan o steps upang makamit ang kanilang mga ‘goals’na isinulat naman nila sa isang kapirasong bubble thought na construction paper. Ang Bubble Thought na ito kung saan may nakasulat na numero sa likod ang basihan upang mahanap nila ang kanilang promise partners. Ang “PROMISE PARTNERS” ang magsisilbing katuwang at tagapaala-ala ng bawat isa upang siguradong maisagawa ang mga pangakong binitiwan para makamit ang minimithi. Para silang si Yaya & Angelina, si Mata & si Kamay, si Juan & si Pedro, si Katawan & si Konsensya . . . etc.


Sa Big Group bandang alas-9 ng gabi, ipinagdiriwang din ng mga dormers ang “Sabayang Kapanganakan” ng mga may kaarawan mula Hunyo hanggang Agosto 16. Katakam-takam na Choco Topps at (kandilang)Stick-o ang naging handa at inialay sa mga celebrator. Nakuha pa ni Ate Gelai ang pinakamahabang Stick-O (pinakalip-ot guro!*). Pinagsaluhan naman ng mga non-celebrator ang isang bald eng biskwet ‘that comes in different sizes & shapes’ . . . Yehey!!!


Nabulabog ang kukote at katinuan ng taga ODD at EVEN team nang magtunggalian sa larong Pinoy Henyo. Ni hindi na alam ng isa kung ano ang balat sa tinalupan. Matatandaang ang sagot ni Renan ay “NO” sa tanong na “Tao ba si Kyle?”; naging lugar ang TV at dispenser; at naging place pa si Manong Larry. (Ate Gelai, daw mini lib man 'to!*)


Higit sa lahat, bonggang CONGRATULATIONS at Palakpakan dahil DRAW lang naman ang resulta ng laro sa pagitan ng dalawang grupo. (Bawi sa pahampang!*)


Pero uber bungga jud na CONGRATULATIONS at Standing ovation ang ating igawad para sa kooperasyon ng bawat dormers dahil sa matagumpay ang ating Group Dynamics, napagtibay at lalo pang mapapabongga ang buhay Holwan ng isang iskolar ng bayan. [Ayyyy...grabeh....!*]





Wina Irah Basister, BS Economics-I, Bacolod City


P.S. Para makapagcomment tungkol sa article, i-click ang salitang "COMMENT" sa ilbaba ng article na ito. ty. c;

2 comments:

deadrhonax said...

owkie lang yan, mga freshies..natural lang talaga yang HOMESICKness sa umpisa..been there..
basta, andito lang kami if you need someone to talk to or just even sit beside you..di maghuya-huya..

joefer said...

korek...ako ay june, july, august na umiiyak noh...but i made it... kaya nyo yan! tutulungan kayo ng mga upperclass! God bless lampiririts!