Loading...
Loading...

Castillo del Placuna Placenta Search Engine

Tuesday, June 08, 2010

TESTIMONIES 101: Chilleeh

Survival Tips: How to Chill under the Miami Heat ^^




by Rea Chill Plomillo
Secretary General - House Council 2009-2010
BA Political Science
Room 1


Nahohomesick? Nababagot? Or are you feeling the Heat and need to chill? Then tune yourselves into this…

Hello mga FRESHIES! I’m your Ate CHILL (wee “ate” haha. Totoong pangalan ko ‘to, gusto nyo pa ng valid ID? Hahaha kiddin’ ^^). Like you, isa ako sa mga napagpalaang makakuha ng slots sa nagiisang BEST DORM: ang FRESHMEN HALL 1. Kaya lang hindi nyo na masusulyapan ang pinakapangit kong mukha sa kadahilanang nangibang isla na ako para makahanap ng mas matinong trabaho.. (Charing haha…)

Isa lang naman ako sa dumadaming ibong lumilipana sa kadiliman. Inaamin kong isa ito sa pinkamahirap na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko. Kailangan kong mang-iwan ng mga kaibigan, ng mga nakagisnan, at mga pangakong hindi sana mapapako. Ang hirap pala, honestly. Haha

Pero ang punto ng pagsulat ko ng artikulong ito ay hindi para isiwalat ang aking konting kadramahan. Gusto ko lang sanang makapagiwan sa inyo ng mga Survival tips na pwedeng nyong gamitin anytime habang kayo’y nakikipagspalaran sa una ‘nyong taon. Sa tingin ko kasi, sa pamamagitan nito, hindi ako yung tipong nangiiwan lang sa wala. Sana makatulong ‘to. ^^

Una sa lahat, Congratulations dahil napabilang kayo sa cream of the CROP sa buong Pilipinas – isa lang naman sa mga pinakasimpleng dahilan kung bakit andito kayo ngayon sa UP! Sa una ninyong taon, siguradong marami kayong matututunan. Nakakatakot ito xempre sa una. Katulad ninyo, naranasan ko din ang mga unang araw ng pangungulila sa bahay at mga kaibigan noong highschool. Kinabahan din ako sa kung ano ang mangyayari sakin sa unang araw ng pasukan, sa mga napabalitang Terror teachers, sa pressures ng school work. Pero okay lang ‘yan mga bagong BEST dormers. Siguradong maeenjoy nyo naman ang isang tao ng pagkawalay sa pamilya kapiling ang mga dormates ninyo, staff at upperclassmen (na patuloy na gagabay sa inyo from other dorms/bhauses/apartments/atbp.) ng Hall 1. Heto ang naiisip kong survival tips para sa mga nahohomesick, naliligaw, at nababagot kung weekend. (Pero I’m sure, hindi naman kayo mababagot sa bahay ng mga IDOL syempre haha)

Survival Tip 1

Recommended sa mga homesick

Go out... and make FRIENDS. Hindi lang sa mga roommates at dormmates mo kundi pati na rin sa mga dormers/residents ng “other” dorms/apartments. Hahaha Huwag ding mahiyang makipagkaibigan sa mga uppies, especially ang mga dating nagHall 1. Marami silang makwekwento senyo ukol sa mga experiences nila na pwede niyong magagamit sa susunod.

Survival Tip 2

Recommended sa mga nawawala at naliligaw

IF in doubt, ASK! Huwag mahiyang magtanong. Mababait ang mga nilalang ng UPV mapaestudyante man o profs o staff. Kahit ang mga drivers, mapajeepney man or tricycle ay sadyang matutulungin. Pero kung gusto niyong makasigurado, magtanong na lang kayo sa mga staff on duty ng Hall 1: Manang Mic, Manang Gina, Manang Vi, Manong Larry, at Manong Boyet… pili lang ahaha. Of course pwede din sa pinakadakilang dormhead ng bulwagang ito: Si Mam Aster Tronco. Haha Sumadya din kayo kay Mam Pador or Mam Isay sa CUB basement kung may oras kayo. Siguradong matutulungan kayo nila sa maraming bagay.

Survival Tip 3

Recommended sa mga nababagot at hindi nakakauwi kung weekends especially mga TUBONG MINDANAO (yeah!^^), CEBUANO, BOLANON, PALAWAN-ON, NEGRENSE, SOUTHERN LEYTE NO, atbp.

MAHILIG SA ADVENTURE? Magnature tripping SA OWL, HILL 17, FISH BUKID, at MATHEMATICS HILL. Marami pang sights ang pwedeng makita sa UPV (hindi ko nga lang napuntahan yung iba… hmmn). Pero so far, itong apat ang pwede kong irecommend sa inyo. Kung nature tripping at hiking talaga yung hanap nyo, punta kayo ng HILL 17, FISH BUKID, MATHEMATICS HILL, Kung feel nyo magswimming, lakarin nyo na lang (pwede din magtryc) papuntang OWL or OCEAN WEATHER LAB (dagat lang ‘to, huwag matakot sa pangalan haha). Magdala ng snacks, banig, or anything useful and entertaining. Tiyak na maeenjoy nyo ang alon at sea breeze. Huwag nga lang maxadong magpakalayo sa dagat. Magingat sa pagswimming. ^^

MAHILIG SA SPORTS? Maglaro ng Basketball sa Covered court at Football naman sa Field na pwede lang lakarin mula Hall 1. Gusto mo magswimming? Pwede na din siguro sa OWL. (try nyo… hahaha) Pwede ding maglaro sa Inner court at Gaddam road (Siguraduhing may permit at hindi mainit ang ulo ng driver ng kotse na dadaan. Bakit Gaddam road? Mahabang istorya. Magtanong na lang kayo sa mga dating hall 1 pipz regarding dyan. hahaha). Naalala ko last year naglaro kami ng CHOCO, partintero, at iba pang Larong Pinoy noong HALL1MPICS at kahit noong weekends. Try nyo ‘to. Makakapagbond kayo ng Bonggang bongga. Haha

NAMIMISS ANG CITY? Magtricycle ka hanggang BOX 1 or Plaza. Kung nagmamadali ka, magBOX 1 ka. May dumadaan ditong bus, at San Joaquin (jeep ito na parang eroplano sa bilis sobra! haha). Siguraduhing nakahawak ka ng mahigpit sa railings. Kung sa Plaza ka naman bababa, may pumaparadang Miagao jeep dun pacity. Ipagtanong mo na lang sa mga tagacity kung ano yung mga jeep na sasakyan sa kung saan mo man gusto pumunta. MapaUP, SM, Rob, o Super. Kaya nyo yan! ^^

Survival Tip 4

Recommended sa mga walang magawa at nagugutom.

Sumadya kayo sa LOLA’s, HEAVEN’S BLISS, ZIP ZAP, o CDH. Sila lang naman yung pinkamalapit na chibugan sa Dorm area. Mas malapit nga lang ang LOLA’s sa Hall 1 kaya siguradong magiging tambayan nyo ito. May iba pang pagkainan sa Banwa na pwede mong sadyain kung sakaling may budget ka pa para magfood trip: OMPS, Bentoy’s, Green ribbon, Sari-sari, Vineyard, BurgerMac, MacBridge, Jed’s, at Hilltop. Huwag matakot mawala. Hagugulin ang natitirang espasyo sa banwa. Explore!

Survival Tip 5

Recommended kung may power interruption o, sa madaling salita, “brown-out”. ^^

Sa umaga:

Magpicnic sa Inner Court. Maglabas ng banig, newspapers, o plywood (humingi ng permiso muna sa staff bago gamitin ang nahuli), fully-charged laptop/cellphone, and play some songs. Ilabas ang tinatagong Food stocks at ishare sa buong barangay. Naalala ko yung Ginanggang party namin last year. (Ginanggang - Minadanaoan delicacy: “saba” banana on stick grilled to perfection and clothed with margarine/butter and sugar madness. Yum! haha^^) Naglaro din kami ng cards at Choco that time. Grabe! Sobrang saya ‘nun! Kung gusto nyong malaman ang buong kaganapan sa okasyong ito, basahin nyo na lang ang previous articles na nakapost sa site na ito.

Pwede ding Matulog sa Canopy, magpunta sa OWL, maghiking, magchibugan at kung ano pa ang pwede nyong maisip na tripping. Pakaisipin lang palagi na may mga tripping na kailangan ng permiso mula sa staff. Higit sa lahat, magingat kayo palagi.

Sa Gabi:

Magstargazing sa Gaddamroad (ang daanan sa harapan ng hall 1). Ilabas ang mga dalang gitara at magpractice ng pangharana sa lobby with other dormers. Pwede ding maglaro ng cards o mag ghost-story-telling sa canopy… bagay talaga ‘to sa setting especially with candles around. Haha creepy…

At higit sa lahat..

Survival Tip 6

Recommended sa mga hindi sure, natatakot, nababagabag at nagsosoul-searching

Hindi ka pa sigurado sa kurso mo? May nais ka bang patunayan pero hindi mo magawa? Naghahanap ng kasagutan? Isa lang ang marerecommend ko sa’yong solusyon… Magcounselling ka! Now na! ^^

Punta ka ng CUB at hanapin si Mam Pador o Mam Isay sa CUB basement. Kilalanin nyo din ang ibang Uppies na dating nagholwan baka sakaling makatulong din sila in terms of acads, advices, lovelife, etc. Huwag mahiyang magpatutor sa kanila in case nahihirapan talaga kayo sa Math (agree agree ^^), Chem, Physics, atbp. Magpaclose din kayo kay Mam Tronco. Ang dami kong natutunan sa kanya super. haha Alamin kung ano ang mas nararapat mong gawin. Timbangin kung ano o saan ang tamang daan. Just always keep your feet on the ground, ok? ^^

Hmmn… may nakalimutan pa ba ako? hahaha Hindi ko siguro masasagot ang lahat ng katanungan ‘ninyo. May mga kasagutan naman kasi na kailangan ng involvement ng sarili diba? Siguro kayo na din bahala magexplore sa bulwagan ng kuro-kuro. I’ll leave that to your Smart UPCAT-passing minds .^^

Huling habilin: Pakiisipin na ang tunay na rason kung bakit kayo nandito ay hindi para magbakasyon at magenjoy lamang. Academics first, ok? Palagi dapat itong nauuna sa istahan ng priorities nyo. Smile palagi . ^^

SA MGA BAGONG FRESHIES ng CASTILLO del PLACUNA PLACENTA. Maligayang pagpasok sa pinakaexciting, pinakakakaiba, at pinakamasayang bulwagan sa buong UP system: the one and only BEST Dorm: Balay Lampirong…. FRESHMEN HALL 1 ^^

Good luck sa lahat. Ingat. Juz’ Chill ^^


13 comments:

JusTicia said...

.,that's right chill.,just chill.,but don't forget to study.,:D

supertakya said...

AGREE!XD

Rhonalen said...

haha. nice kaau ang mga tips ni chill bah. makahilak gud kog lansang. XD

Chill said...

ai grabeeeee... haha tuoda ang paghlak mu sang lansang ate rhonax ha ^^

Rhonalen said...

huo. hulata lang kay ipadala ko guid dira simu sa diliman. =)

elyk said...

nice....d best...


comment: NGAA SA SURVIVAL TIP 3 WALAY SOUTHERN LEYTEÑO!?!?!?

Rhonalen said...

haha. hala! tuod?!
butangan nalang nato para di malain si BEST DORMER:KYLE "NOGNOG" CASTANARES. okay lang, chill?

Chill said...

xur! haha ok na ok...para masajhan baga ni Nognog...luv yah kyle hahaha ^^

elyk said...

@TE RX ND CHILL:HEHEHE...
nasadyahan ko sa mga freshmen kay ga katawa cla kung mag hambal ko nga "NOGNOG" akong name...hahhaha...





KUYA NOGNOG

elyk said...

@TE RX ND CHILL:HEHEHE...
nasadyahan ko sa mga freshmen kay ga katawa cla kung mag hambal ko nga "NOGNOG" akong name...hahhaha...





KUYA NOGNOG

Anonymous said...

ahem..
ATE CHILL???
hihihih
d bagay!!
^_^
ui xnxa late na me k,comment old acc ko ang gn,tag nyo..
eheheheh....
ninzzzz

Rhonalen said...

sulat ka man bala, ninz. anything 'bout holwan life. =)

Anonymous said...

I would like to exchange links with your site hall1.blogspot.com
Is this possible?