Loading...
Loading...

Castillo del Placuna Placenta Search Engine

Monday, April 05, 2010

Sem Opener 2010


by Rea Chill Plomillo

BA PolSci, Room 2





Isa na namang kawindang-windang na talakayan . . .

Isa na namang nagbabagang pagchichikahan…

Samahan niyo akong busisihin ang mga pangyayari ng nakaraan…

Ng mga kapuluan, at ng m

ga bayang sinilangang ... Char langlol

Hello Luzon! Hello Visayas! Hello Mindanao! Siguro malilito kayo sa mga katagang naisawalat ko sa itaas. Ano ba naman ang koneksyon ng nakaraan sa kung ano mang echos ang tatalakayin ko ngayon? At ano ba ang koneksyon ng mga kapuluan at ng bayang sinalangan sa kung ano mang katarantaduhang pinaplano kong isali sa blog na ito?

Simple lang ang kasagutan mga kapwa BEST DORMERS, mga kaibigan, atbp.: Ibubulgar ko lang naman kung ano ang mga pangyayari noong Sem beginner. At dahil tunay ngang napakainit sa Miami, at ibig ng mga dormers na maging sporty, napagkasunduan ng House Council na tawagin itong MIAMI HEAT ’09.

Pansamantalang nahati ang mga dormers ayon sa kanilang lupang sinalangan: LUZON, ILOILO A, ILOILO B, NEGROS, GUIBOSOLEY (Guimaras, Bohol, Southern Leyte), AKLAN, at CAPIZ-ANTIQUE. Ang bawat pangkat ay pinayuhang magdala ng pasalubong bago matapos ang unang semestre para maibahagi sa ibang dormers sa pamamagitan ng Food Expo. Ngunit mas kinapanabiknabikan ang talaga namang pinaghandaang presentasyon ng bawat grupo na siyang isuspoil ko sa mga sumusunod na talata.

Martes Nobyembre 17, 2009:

Ala – una ng hapon:

Nagkakandarapa ang mga House Council sa paghahanda ng Inner Court. Bakas sa mga hitsura nila ang pagkasabik at pati na rin ng pangamba sa palapit nang okasyon na opisyal na magbubukas ng mga aktibidades ng Castillo de Placuna Placenta sa ikalawang semestre ng taon. Naprapraning lang siguro ang mga kabataan. Hindi ko nga lang alam kung anong dahilan sa likod ng pagkapraning ng mga ito. ^^

Alas sais ng gabi:

Sabik na sabik na nagbihis ng mga jerseys at mini skirts ang mga Best Dormers. Hayaan nyo akong ilahad ang taksonomiya ng mga nilalang ng mga oras na iyon: May mga players ng iba’t ibang isports, mga Cheerleaders, at mga karaniwang audience na game na game namang nagdala ng mga cartolina at props na naglalahad ng suporta nila sa kung sino man ang gusto nilang suportahan. (Duh… haha)

Alas syete ng gabi…

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nawala ang mga sotech at upperclass sa kadahilanang may Victory Party ang una, at may Peer Counselors’ meeting ang huli. Kaya naglaro na lamang ng HEP – HEP HORRAY ang mga dormers. Naging “Crowd favorite” ika nga, si Nicolo, ngunit sa huli, nanalo pa rin ang batikang si Roren Keisha Yap na siya ring nanalo sa Hep hep horray version ng ROTC. Isa na namang pambihirang talento ang nadiskubre sa loob ng Bahay ni IDOL… weee ^^


Alas Ocho ng gabi…

Sa wakas at opisyal na nagsimula na nga ang pinakahihintay na programa! Ngunit bago ‘yon, atat na atat na nagsilabasan ng pasalubong ang mga dormers at taus-puso rin nilang pinaganda ang mga lamesang magsisilbing booths nila para sa food expo. Kulang man sila sa mga ilaw na kinakailangan, lubos namang kinareer ng mga dormers ang okasyong ito. Nakakatuwa ang konsepto ng bawat pangkat. May mala-gubat, may brownout, at may mala-tourism expo. Oh diba? Bongga… haha

Ngunit sa isang pambihirang pagkaktaon… biglang nabaling ang atensyon ng lahat sa isang malaking sorpresa. Biglang nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang mga upuan at biglang nanahimik sa pagdating ng dyosa… (tantarantan…)

At siya ay walang iba kundi ang nakakaaliw, nakakawindang, at nagiisang si MAMITA!! Siya lang naman ang emcee ng gabing iyon, kaya mas napasaya pa ang naturang okasyon dahil sa mga sorpresa nya… tenkyu MAMITA!! ^^

Pagkatapos ng napakalaking sorpresa, nagsimula na nga ang presentayon ng mga magkababayan. Lubos namang naenjoy ng lahat ang pinaghandaang sorpresa ng mga dormers. May mga sumayaw, may sadyang naligo sa hose, may nagsalita sa unang pagkakataon ( kaya mo yan Carissa…kaya mo yan Carina ^^), may nagbeauty pageant, at xempre hindi mawawala ang ati-atihan, na kung saan tinampok ang Hall1 Akeaenon version ng BROD, BRO, at BRU! Sa uulitin, hayaan nyo akong ispoil ang mga linyang binatawan ng mga kakaibang nilalang na lubos na tumatak sa aking isipan. Hulaan nyo na lang kung sino man ang nakapagbitaw ng mga sumusunod :

“Hoy mga TAGABUKID! Humanda kayo sa Luzon!!!”

“According to aristotle, galileo, plato, julio, piologo, jose casten sixto, carlo severino recto, paolo hilado, nicolo, jm juanito,kathleen blanco, leo, dioveth ablanido and Ma’am ASTER TRONCO....the first christian mass was in limasawa island SOUTHERN LEYTE!!!!”

” And according to history, biology, botany, zoology, sociology, psychology, economics, physics, statistics, ledricks, zemrecs, gierecks, meildricks, julex and ate mekmeks.....SOUTHERN LEYTE is the most beautiful province in the Philippines..” (*toink hahaha)

“From the town of Moises Padilla, the LIVESTOCK capital of NEGROS!”

“Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko makuha ang puso ng babaeng ito… Si NENA…”

“uhhm… aah… Strong…” “Mam Aster STRONCO!

Ngunit wala pa ring tatalo sa pinkamasayang parte ng gabing iyon. At iyon ay naisagawa sa pangunguna ng dakilang si MAMITA:

Pagkatapos ng programa…

Busog na busog ang lahat….

Sa hindi inaasahang pagkakataon… …

Sa ilalim ng dakilang Niyog ng Hall 1…

Madilim…

Mainit…

Maingay…

At biglang…

GUYS! WHO WANTS TO HAVE A WET PARTY?!

… at nagwala na ang posong kanina pang ibig magsalita… kasabay ng pagwala ng dakilang dormers…of course dahil sa sobrang saya.

Ang matigas na bitak ng lupa ng inner court ay naging madulas…kasabay ng pagagos ng laway ng posong kanina pang nanahimik ngunit nagambala sa isang pambihirang pagkakataon. Sa mahigit kumulang na 3 oras ay napuno ng banderas ang washroom. Poor poso… at least nakapagbigay siya ng ENJOYMENT sa best dormers for one time. Salamat Manang Tech ^^.

Oh diba? Napkasaya talaga ng mga tagpo sa nag-iisang BEST DORM. Nahati nga ang dormers sa mga grupo at magkababayan, ngunit taliwas sa paghahating naganap nung gabing iyon, napatunayan pa rin ng Dormers na nananatili pa rin ang HALL 1 SPIRIT sa kanilang mga puso lalung-lalo na sa ipinakitang partisipasyon nila sa mga aktibidades ng programa sa gabing iyon.



Go Hall 1! U’re d’ Best! <3<3<3




20 comments:

Carlo said...

love it! hehehehehe

Rhonalen said...

here. here. =)

carlo, basi gusto mo man magsulat about sa experience mo sa holwan..welcome guid dri sa page..thanx.. =)

lady M said...

...hahahah...like ko gd ni nga event...sala ni kiya pao...wheheheh...kaluoy sang HC, cla ang gnpakay o ni mam tronco sng field...wheheheh

elyk said...

sadya gid ni ngA party...kahit may fever ako go parin...naligo pa rin...hahahah

Rhonalen said...

wet and wild!!!
mga chura nyu kafunny..
mga basang sisiw..=)

Chill ^^ said...

Miss being wild... for a nyt.. haha
Yah.. Ginsugo kami na tamnan grass ang inner court... hmmn I miss Manong Boyet XD

elyk said...

magliwat tah..hahaha...next sem....

Chill ^^ said...

dali! hahaha organize ta..

Rhonalen said...

basta, ready na kamu daan grass nga itanum..hahaha =)

Chill said...

is it just me or nadula gid man mga comments ko di? ahaha

Rhonalen said...

nadula lageh!!!

gin-anu mo?

Chill ^^ said...

wla ko may gnubra... hahaha
well it's back ^^

Eyzin said...

Hahaha. Nice one Chill.
Dumduman ko atu. Sadya-sadya gi sadto.

Sadya tanan puwera sa reaction ni manong boyet the next day.

"Oooh, ano natabo di!!! Ma'am, tan-awa and innercourt!"

Ahahaha.

Rhonalen said...

sino guid tong super saot kag ngwasak sa grass..

hala guid kamu..forever ihunt kamu sang disturbed soul ni manong boyet..haha

peace out*

Chill ^^ said...

hahaha... Naoverhear ko gid ni...May i-add pa ko..

"Grabeh sila pasauton! Duw mga baka!"

BEST DORMERS.. payag kamo twagon nga dancing baka? ahahahahhaa

Rhonalen said...

hahahaha*

super LOL

baka!oh c'mon!*

tiny said...

haix...i thot la na may masulat abt it...haha

Rhonalen said...

xempre may ara, win.. gapaabot pa ko sa iban na articles. hehe. tani madumduman nila sulat ayh. haha. =))

elyk said...

si mamita ang nagsimula ng lahat...


siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang inner court...


hahahahaha

Rhonalen said...

o, mamita! kaw daw may sala.

abi tamni liwat ang inner court sang bermuda grass. haha