Castillo del Placuna Placenta Search Engine
Thursday, April 22, 2010
Thursday, April 08, 2010
Mathematics Hill Adventure
Well, kung hindi pa these series of videos might convince you NOT to do it.haha*
Just kiddin'! Actually, kung naghahanap ka'yo ng quiet, solemn at fresh na fresh na place para makapag-isip at makapagrelax heto ang para sa inyo. Bininyagan namin ang lugar na ito sa pangalang "Mathematics Hill". Dito namin (Kuya Azin, Juris at ako*) natutunan ang bagong pambansang kanta ng bayan -- 'Mathematics song'. I bet you wanna learn this song too. Pampatanggal umay. Pampatanggal lungkot. Pampatanggal bagot. hahaha*
Anyways, i really recommend this place. Hope yah lyk the following clips. Imagine, lumalabas ang mga nakatagong talento sa pagkanta ng elementary songs ng mga tao nang makapunta dito.wink*
The following scenes are NOT suitable for very young audience. PARENTAL GUIDANCE is recommended.
(hehehe*)
Posted by Rhonalen at 6:13 PM 10 comments
Monday, April 05, 2010
Sem Opener 2010
by Rea Chill Plomillo
BA PolSci, Room 2
Isa na namang kawindang-windang na talakayan . . .
Isa na namang nagbabagang pagchichikahan…
Samahan niyo akong busisihin ang mga pangyayari ng nakaraan…
Ng mga kapuluan, at ng m
ga bayang sinilangang ... Char lang… lol
Hello
Simple lang ang kasagutan mga kapwa BEST DORMERS, mga kaibigan, atbp.: Ibubulgar ko lang naman kung ano ang mga pangyayari noong Sem beginner. At dahil tunay ngang napakainit sa
Pansamantalang nahati ang mga dormers ayon sa kanilang lupang sinalangan: LUZON,
Martes Nobyembre 17, 2009:
Nagkakandarapa ang mga House Council sa paghahanda ng
Alas
Sabik na sabik na nagbihis ng mga jerseys at mini skirts ang mga Best Dormers. Hayaan nyo akong ilahad ang taksonomiya ng mga nilalang ng mga oras na iyon: May mga players ng iba’t ibang isports, mga Cheerleaders, at mga karaniwang audience na game na game namang nagdala ng mga cartolina at props na naglalahad ng suporta nila sa kung sino man ang gusto nilang suportahan. (Duh… haha)
Alas syete ng gabi…
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nawala ang mga sotech at upperclass sa kadahilanang may Victory Party ang una, at may Peer Counselors’ meeting ang huli. Kaya naglaro na lamang ng HEP – HEP HORRAY ang mga dormers. Naging “Crowd favorite” ika nga, si Nicolo, ngunit sa huli, nanalo pa rin ang batikang si Roren Keisha Yap na siya ring nanalo sa Hep hep horray version ng ROTC. Isa na namang pambihirang talento ang nadiskubre sa loob ng Bahay ni IDOL… weee ^^
Alas Ocho ng gabi…
Sa wakas at opisyal na nagsimula na nga ang pinakahihintay na programa! Ngunit bago ‘yon, atat na atat na nagsilabasan ng pasalubong ang mga dormers at taus-puso rin nilang pinaganda ang mga lamesang magsisilbing booths nila para sa food expo. Kulang man sila sa mga ilaw na kinakailangan, lubos namang kinareer ng mga dormers ang okasyong ito. Nakakatuwa ang konsepto ng bawat pangkat. May mala-gubat, may brownout, at may mala-tourism expo. Oh diba? Bongga… haha
Ngunit sa isang pambihirang pagkaktaon… biglang nabaling ang atensyon ng lahat sa isang malaking sorpresa. Biglang nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang mga upuan at biglang nanahimik sa pagdating ng dyosa… (tantarantan…)
At siya ay walang iba kundi ang nakakaaliw, nakakawindang, at nagiisang si MAMITA!! Siya lang naman ang emcee ng gabing iyon, kaya mas napasaya pa ang naturang okasyon dahil sa mga sorpresa nya… tenkyu MAMITA!! ^^
Pagkatapos ng napakalaking sorpresa, nagsimula na nga ang presentayon ng mga magkababayan. Lubos namang naenjoy ng lahat ang pinaghandaang sorpresa ng mga dormers. May mga sumayaw, may sadyang naligo sa hose, may nagsalita sa unang pagkakataon ( kaya mo yan Carissa…kaya mo yan Carina ^^), may nagbeauty pageant, at xempre hindi mawawala ang ati-atihan, na kung saan tinampok ang Hall1 Akeaenon version ng BROD, BRO, at BRU! Sa uulitin, hayaan nyo akong ispoil ang mga linyang binatawan ng mga kakaibang nilalang na lubos na tumatak sa aking isipan. Hulaan nyo na lang kung sino man ang nakapagbitaw ng mga sumusunod :
“Hoy mga TAGABUKID! Humanda kayo sa
“According to aristotle, galileo, plato, julio, piologo, jose casten sixto, carlo severino recto, paolo hilado, nicolo, jm juanito,kathleen blanco, leo, dioveth ablanido and Ma’am ASTER TRONCO....the first christian mass was in limasawa island SOUTHERN LEYTE!!!!”
” And according to history, biology, botany, zoology, sociology, psychology, economics, physics, statistics, ledricks, zemrecs, gierecks, meildricks, julex and ate mekmeks.....SOUTHERN LEYTE is the most beautiful province in the Philippines..” (*toink hahaha)
“From the town of
“Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko makuha ang puso ng babaeng ito… Si NENA…”
“uhhm… aah… Strong…” “Mam Aster STRONCO!
Ngunit wala pa ring tatalo sa pinkamasayang parte ng gabing iyon. At iyon ay naisagawa sa pangunguna ng dakilang si MAMITA:
Pagkatapos ng programa…
Busog na busog ang lahat….
Sa hindi inaasahang pagkakataon… …
Sa ilalim ng dakilang Niyog ng Hall 1…
Madilim…
Mainit…
Maingay…
At biglang…
GUYS! WHO WANTS TO HAVE A WET PARTY?!
… at nagwala na ang posong kanina pang ibig magsalita… kasabay ng pagwala ng dakilang dormers…of course dahil sa sobrang saya.
Ang matigas na bitak ng lupa ng inner court ay naging madulas…kasabay ng pagagos ng laway ng posong kanina pang nanahimik ngunit nagambala sa isang pambihirang pagkakataon. Sa mahigit kumulang na 3 oras ay napuno ng banderas ang washroom. Poor poso… at least nakapagbigay siya ng ENJOYMENT sa best dormers for one time. Salamat Manang Tech ^^.
Oh diba? Napkasaya talaga ng mga tagpo sa nag-iisang BEST DORM. Nahati nga ang dormers sa mga grupo at magkababayan, ngunit taliwas sa paghahating naganap nung gabing iyon, napatunayan pa rin ng Dormers na nananatili pa rin ang HALL 1 SPIRIT sa kanilang mga puso lalung-lalo na sa ipinakitang partisipasyon nila sa mga aktibidades ng programa sa gabing iyon.
Go Hall 1! U’re d’ Best! <3<3<3
Posted by Rhonalen at 9:36 AM 20 comments
Thursday, April 01, 2010
LAST MORNYT sa BEST DORM
30-March-2010. Tuesday. Sa lobby. Bandang alas-ocho y medya ng gabi. . .
Masaya kaming nagki-kwentuhan sa lobby sabay nood ng tv. Pasa-pasahan ng laptop para tumingin ng grades sa CRS. Kwentuhan. Tawanan. Tuksuhan sa newly-discovered at blooming-na-blooming "JENrec" loveteam. Naglalaro kami ng tong-its nina KYLE at ledrick. Nagpapraktis ng harana piece niya si Pio with Kuya Azin, at nakikisali rin kami ng kanta ha..hmmm* 'Di mabasol!~ Nagpatuloy ang mga tagpo at eksenang ito hanggang magising si manong larry bandang 11:30 ng gabi. Wala naman syang nagawa. Pinahinaan nya na lang ang volume ng TV at bumalik sa kawrto nya.. Haha!*
At dahil mejo inaantok na ako, kumuha ako ng unan sa kawrto at dinala sa lobby habang patuloy kaming naglalaro. Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na ako sa couch sa lobby. Mag-a-alas-dos na nang magising ako. Medyo nagulat ako sa tagpong aking kinamultan. Nakahiga na si Jenny Vi sa sahig, na may foam naman. hehe. I was wondering kung saang kwarto nya yun kinuha...malamang sa kwarto nila. Ano bah!? Duh!* Sunod kong nakita si Ledrick na palabas ng girl's wing at may dala-dalang foam. At syempre, alam nyu na ang sumunod na tagpo..hmmmm...* * *
*
*
*
*
*
*
Uy ha! Hindi sya tumabi kay Jenny Vi..doon sya sa may malapit sa tv. hahahaha..(evil thoughts*)Anyways, eh di 'yun nah..nagsimula na ring matulog si Ledrick. zzZZzzzZZZ*
Habang si Kyle naman ay busy sa pag-i-emote sa facebook. Sino ang online nung gabing 'yun at nakawitness ng kaemohan ni Kyle? Maari lang pong pakitaas ng kanang paa!haha*
Sandali pang ako'y nanood ng tv. Marahil ay nakaramdam na rin ng antok, maya-maya pa'y tumabi na si Kyle kay Ledrick para matulog.
Dahil hindi pa ako nakakapagligpit ng mga gamit at magsasara na ang dorm nung araw na iyun, pumasok muna ako sa kawrto para mag-ayos. Hindi ko malaman sa anong kadahilanan at namimihasa ang pag-atake ng aking katamaran, kaya naiisipan kong makinig ng music habang nag-aayos. Nang lumabas na ako para kunin ang laptop sa lobby, di pa tuluyang nakatulog si Kyle. Naitanong ko pa sa kanya ang mga nagyari habang tulog ako kanina.
Ilang oras ang lumipas nang maisipan ko uling lumabas sa lobby para makipag-chismisan kay Kyle dahil nakakatamad talagang magligpit.
Nagulantang ako sa sunod kong nakita. Hindi ko inaasahan ang mga tagpong bumungad sa aking mga inosenteng mata.
Sayang nga lang at mababa ang resolutiong ng cam ko. Haha! Pero it's woth the watch naman di bah!?Oh well...
Sabi ko nga kanina, if hindi ko piniling manatili sa dorm, hindi ko masasaksihan ang mga tagpong ito. Hindi ko mararanasang magulantang nang ganoon. At talagang bumangon ang napupuyat at tinatamad kong espiritu ha.* lol.
Again. . .
*Kung ikaw ang makakakita ng mga nakita ko nung gabing iyun, tiyak 'di mo na nanaising umalis ng Hall1. . .hindi mo na nanaisin pang umalis at lumabas dahil wala ka na tiyak mukahang mailalabas.
*Kun nagyari sa'yo ang mga tagpong ito noong gabing iyun, tiyak di mo na nanaiising mawalay pa sa Hall1. . .dahil sa oras na mawalay ka tiyak pagpi-piyestahan ang mga larawan mong ito.
Sa tatlong bida natin sa gabing ito --- Kyle, Ledrick at Jenny Vi, job well done!!! Hanggang sa mga susunod pa nating eksena. Peace out!* This is just for sharing a piece of the memories that we created sa Hall1 -- sa BEST DORM. Labyah, guys!*
At sa lahat ng mga nakakita, keep your eyes wide open; your laughters burst out loud, and kindly spread the blessing! hahaha*
Sama-sama tayong matiulog sa lobby. . .
Hanggang sa muli. . .*
-deadrhonax
Posted by Rhonalen at 8:13 AM 18 comments