Loading...
Loading...

Castillo del Placuna Placenta Search Engine

Thursday, April 26, 2007

Graduation!


To all who greeted us for this special moment in our lives, we can never say thank you enough.

Sunday, April 15, 2007

Kruhaay: Ang Paglalakbay ng mga Bituin

Ni Joefer Tacardon

Sadyang mahirap ang buhay ng isang bituin.

Matapos ang isang taon ng busy schedules ay makakauwi na rin ako sa amin. Ngunit sadyang hindi ako tinatatantanan ng mga projects. Noong ika-12 ng Abril ay tinungo ko ang Antique para gumawa ng malalaking pelikula at iba pa. Napasama ako kina Flord Calawag, ang Bituin ng Kabilang Mundo na mas kilala bilang Maria Flord Calawag, at kay Sanny David Lumayno, ang Rising Star from Heaven. Nang malaman ko ang planong ito ay agad kong inanyaya ang aking sarili na sumama sa kanila, kahit nahihiya ako...as in!

Kaya naman noong hapon ng Abril 12 ay umalis na kami mula sa Miagao. Gabi na nang kami ay makarating sa tahanan ng mga Calawag sa Tibiao, Antique. Apat na oras na biyahe, mahigit 150 kilometrong paglalakbay. Sinalubong kami ng banda at mga press people...hay sobra!

Pagka-alas-3 ng umaga sa sumunod na araw ay pumunta kami agad sa gitna ng dagat na pagmamay-ari nina Flord. Aking nasaksihan ang pagkuha ng mga isda, at doon ay nagshoot kami ng aming unang pelikula- ang Walang Matigas na Isda sa Gutom na Aso, na pinagbibidahan ni Flord bilang aso, at kami ni David ang mga sireno.

Sunod naming tinungo ang lupain ng mga Calawag, at ang Butong River. Kami ay naligo sa malamig na tubig ng ilog kung saan ay nagsnorkel kami sa mga corals...hahaha! Marami pa lang bato ang ilog kaya sinubukan kong hanapin ang bato ni Darna.

Doon ay ginawa namin ang Langoy Darna Langoy. Ako bilang Darna, si David bilang Ding, at Flord bilang Marina, ang bagong kalaban ni Darna.Napagod kami sa shooting dahil kailangan kong sumisid sa tubig sa loob ng 43 minuto, mabuti ay nakayanan ko naman.

Kuweba naman ang aming tinungo para makita ang set ng pelikulang gagawin namin next year. Pumunta kami sa Manlamon Cave. Binisita ni David ang kaibigan niyang kabog, at pinaunlakan naman kami. Doon ay nakita ko ang pagka-artisitic ng mga tao. May nakasulat doon na "Wanted texmate", "I've been here", "Hi Susan."

Sobrang ganda ng mga cave paintings. Gayunpaman ay maganda naman ang kuweba. Kakaiba naman ang adventure nang bumaba na kami. Action movie pala ang gagawin namin. Sabi nga ni direk, makakasama daw namin si Cynthia Luster at Dinky Doo sa action film na gagawin doon. Hindi pa alam ang pamagat ng nasabing pelikula.

Matapos ang site visit ay umalis na kami. Sunod naming tinungo ang Tiguis Beach para pagmasdan ang mapang-akit na sunset. Wala kaming ginawang pelikula ngunit nagpictorials kami para sa bagong White Castle commercial ni Flord, kung saan ako ang kabayo, at si David ang baso. Mahirap palang maging kabayo. Maaganda naman ang kinalabasan ng commercial.

Sobrang nakakapagod ang araw na iyon. Bago maghapunan kung saan ay iba't ibang klase ng isda ang aming ulam ay naligo ulit kami. Hindi sa dagat, hindi sa ilog, ngunit sa pool ni Flord...sosyal! Muntik na nga kaming malunod, hanggang tuhod kasi ang tubig.

Huling araw na namin noong Abril 14. Ngunit may pelikula pa kaming gagawin. Kaya pagkaumaga ay pumunta kami ng Cadiao Fall sa kabilang bayan. Malayo at nakakapagod. Doon ay dinatnan naming ang malapit nang matuyong water falls, kaya change location agad kami.

Sinubukan naming hanapin ang tuktok ng falls sa pag-aakalang may tubig, ngunit naabaot na namin ang tuktok ng bundok ay wala pang falls...kumusta naman yun?! Kaya iniba ang script ng aming pelikula na sana ay sexy film at may pamagat na "Suman-latik." Nang kami ay nasa taas na ng bundok ay kinain na lamang namin ang gagamitin sanang suman, at doon ay nagshoot kami ng remake ng pelikulang "Pasong Tirad."

Matapos nun ay bumalik na kami sa tahanan ng mga Calawag, matapos kumain sa kanilang farm at makapagpahinga ay nag-pack-up na kami ni David. Alas-2 ng hapon nang kami ay sumakay sa Ceres na ipinaglihi sa Roller Coaster. Nakakapagod ngunit sobrang saya ng aming mga naranasan sa Antique.

Sadyang mahirap ang buhay ng isang artista. Ayaw ko na sana ng buhay na ganito, ang buhay na masyadong busy, buhay na inaabangan palagi ng mga tagahanga, ngunit wala akong magagawa dahil ito ang aking kapalaran- ang maging bituin.


Hahahahahahahahahaha! Happy Summer everyone. Let's Rakenrol!

thanks kay Kuya Flord sa amon na free adventure sa Antique!


Wednesday, April 11, 2007

Reunited

Happy lunch time!!!

"Picture-picture muna" at hall2's lobby before going to AS.

Hekhek!!! The boys enjoyed eating pizza for the midnight snack.
Thanks Elaica!

As usual, lunch time at Heaven's Bliss- the official kainan for the whole summer.

After lunch we decided to "tambay" at our second home...Hall1!

Friday, April 06, 2007

What are you doing this Holy Week?

You are all required to comment on this post. So we don't miss each other too much, let us share what we are up to this Holy Week and in the days past. Ano ginagawa nyo d'yan? Kwento naman...


-

Sunday, April 01, 2007

Paalam Hall1


Ten months were over so quickly. As the days passed, time seemed to accelerate towards the point where Balay Lampirong shall close its doors to rest for the summer*.

It's time to call it a year. It's so sad we have to leave the dorm, but we must be thankful for the privilege of staying under its cover for even just a short time. With us we bring the memories, the learnings, the friendships.

Next academic year, some of us will remain, some will be in another dorm, some will be in another school. Yet, we will still be connected. We share that special time in our lives when we were together in Castillo del Placuna Placenta.


Goodbye!



*Technically, there's no summer in the Philippines.